Linggo, Marso 10, 2013

Alam mo ba kung ano ang kulasisi? Isa ba itong maliit na loro, babaeng kaapid o laro?

        Para sa aking ikalabintatlong pagsasanay, ang salitang napili ko ay kulasisi. Ito ang napili kong salita dahil isa ito sa mga dahilan kung bakit nasisira ang samahan ng mag-asawa. Ito ay dahil minsan may kulasisi o babaeng kaapid ang lalaki. Gusto ko rin na maibahagi ang mga nakalimutang kahulugan ng salitang kulasisi. Ito ay tawag din kasi sa pinakamaliit na loro dito sa ating bansa at sa isang laro kung saan itinatago at ipinapahanap ang singsing sa taya.

        Upang maipakita o maipakilala ko sa inyo ang kahulugan ng napili kong salita, gumawa ako ng mga larawan na parang komiks gamit ang mga tauhan sa "Cubao 1980: Unang Sigaw" ni Tony Perez at "Paputian ng Laba" ni Allan Derain. Sana magustuhan niyo!

Wagas na Pagmamahalan nina Butch at Hermie









Ang Tanong ni Lailani





 Ku•la•si•si png Isp 1: [Seb] laro na itinatago at pinahuhulaan kung nasaan ang singsing sa sinumang taya. 
2: [Mrw Seb Tag] Zoo pinakamaliit na loro (Loricolus philippensis) sa Filipinas: BULLILISING
3: Kol babaeng kaapid.

Source: 
lmario, Virgilio S. UP Diksiyunaryong Filipino. 2001. Diliman: Anvil 

        Publishing Inc, 2010. Print.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento